Tatay,
Marahil ay marami ka ng napuntahang mga dagat subalit nais ko sana na ipakita sayo ang ipinagmamalaking dagat ng Cabugao. Ito ay nasa Brgy. Pus-os - mga 15 minuto mula sa bayan. Dumarami na ang mga resorts dito dahil sa pagtugon sa dumaraming byahero at turistang nais i-experience ang mala-Boracay na buhangin.
Noong ako ay bata pa, ang tanging resort na meron ang Pug-os ay ang Public Beach na pinangangalagahan ng Munisipyo, at ang Carmeling - ito ang pangalan ng may ari. Ang Carmeling ay hindi open sa public. Pamilya at mga malalapit na kaibigan lamang ang nakakagamit nito kung kayat preserved ang ganda at masasabing tunay na mapapanatag ang iyong kaisipan dito. Mayroon ngang isang puno dito, malapit sa isang parang pulungan na puros bato ang upuan at lamesa, na tinatawag nilang "fertility tree" kasi halos lahat ng umaakyat dito at nagpapakuha ng litrato ay nabibiyayaan ng anak sa sumusunod na taon. May bahay na bato rin dito na siyang tinitirhan ng pamilya kung sila ay nagbabakasyon. May isang bahay na gawa sa kahoy din na siya namang tinutuluyan ng mga malalapit na kaibigan dahil ito ay mas maluwag.
Siyempre, dahil ito ay dagat mismo - marami ang mangingisda. Mga 4 years old yata ako noong nakakita ako mga mangingisda ay kung paano ang mangisda. Mahirap na masaya dahil sama sama ang mga tao sa paghatak ng net na may lamang mga isda. Pagkakuha ng net, hati hati ang mga tao sa nahuli. Ang ilan inilalako nalang nila ito sa mga mamamayang nainirahan sa tabing dagat, samantalang ang ilan ay lumuluwas ng palengke para doon ilako ang kanilang mga nahuli.
Kalakip nito ang mga larawan ng mga mangingisda sa harap ng Carmeling sa Pug-os. Sana pag uwi mo dito makasama tayo sa kanilang paghatak at paglalako. Sigurado akong masisiyahan ka.
Nanay
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento